February 24, 2025

Home SHOWBIZ

Panganay ni Diana Zubiri, 'di agad natanggap ng yumao niyang mister

Panganay ni Diana Zubiri, 'di agad natanggap ng yumao niyang mister
Photo Courtesy: Screenshot from GMA Network (YT), Diana Zubiri (IG) via GMA News Online

Bakit nga ba hindi agad natanggap ng pumanaw na mister ni Diana Zubiri na si Alex Lopez ang panganay nilang anak?

Sa isang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” kamakailan, emosyonal na ibinahagi ni Diana ang tungkol sa kondisyon ng panganay nila ni Alex na si King.

“Ipinanganak ko po ‘yong panganay ko na may cleft lip and palate. So, ibig sabihin po butas ‘yong lips niya tapos pati po ‘yong gums niya sa ilalim; yong ngalangala niya,” lahad ni Diana.

“Siyempre, we are all shocked, especially ako. In denial,” pagpapatuloy niya. “Dahil hindi po namin in-expect talaga na gano'n. But then, siyempre, bilang nanay, tatanggapin mo. And siya [Alex] hindi niya masyadong natanggap agad. Naging mabigat 'yong pagtanggap. Pero, ayun, naging okay rin naman po after a while, Tito Boy.”

Anne Curtis, pinag-birthday concert sa 'Showtime' nang hindi handa

Gayunman, nauunawaan din naman daw ni Diana ang naramdaman ng mister dahil maging siya raw ay naramdaman din ito noong una.

Kaya ayon sa aktres, ito raw ang dahilan kung bakit hindi niya inilabas ang tungkol sa panganganak niya kay King dahil gusto raw niyang protektahan ito.

Dagdag pa ni Diana, nauwi raw sa hiwalayan ang relasyon nila ni Alex dahil sa kondisyon ng kanilang panganay. 

“So, 'yon actually 'yong naging main reason kung bakit din kami naghiwalay. And then nakuha ko nang buo 'yong anak ko. Hindi niya nakita. Nakita niya na lang no'ng time na nakapag-forgive na ako, Tito Boy," aniya.

Pero nagawa naman daw niyang ipakilala si King kay Alex bago ito tuluyang pumanaw noong 2010 dahil sa liver cirrhosis.