February 08, 2025

Home SHOWBIZ Pelikula

LizQuen may binabalak na proyekto, lalo pang mag-aangat sa pelikulang Pilipino?

LizQuen may binabalak na proyekto, lalo pang mag-aangat sa pelikulang Pilipino?
Photo courtesy: Enrique Gil (IG)

Mukhang muling magsasama sa isang proyekto ang dating magkatambal at partner na sina Liza Soberano at Enrique Gil o "LizQuen" na bago raw at may kakaibang konsepto, na puwede raw lalong magpaangat pa sa pelikulang Pilipino.

Ayon sa panayam ng ABS-CBN News kay Liza, nagka-come up pa raw sila sa konsepto na puwede nilang gawing dalawa in the near future.

"We're trying to come up with the concept that we can do together in the future, and, I cannot guarantee it is in the next year, the concept needs to be fleshed out. It is something new," ani Liza habang kinakapanayam ng media sa isang product launch sa Makati City noong Huwebes, Pebrero 7.

Bukas na rin daw si Liza na magbalik-teleserye.

Pelikula

Paolo Contis, bibida sa bagong pelikula; co-stars, pinag-iingat

"I'm just looking for anything that really excites me and really kakaiba," aniya.

Noong 2024 ay pinasok na rin ni Enrique ang pagiging isang producer, at si Liza naman ay naglunsad na ng kaniyang sariling production company.

Muling bumalik sa Pilipinas si Enrique para ipagpatuloy ang kaniyang career. Noong 2024, kabilang siya sa horror movie na "Strange Frequencies: Taiwan Hospital Killer Hospital" na isa sa mga opisyal na lahok sa Metro Manila Film Festival (MMFF).