Tila lumevel-up ang ugnayan nina Kapuso hunk actor Jak Roberto at “It’s Showtime” host Jackie Gonzaga.
Sa latest TikTok video kasi ni Jak nitong Sabado, Pebrero 8, mapapanood ang pagsayaw nilang dalawa nang magkasama.
“Let’s go! @Jackie Gonzaga Pwede na magprod! Hahaha,” saad ni Jak sa caption.
Humakot ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing video. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"nakow po si darren nalang jackie wag na dyan"
"kinikilig akesh"
"what if sila Ang tinadhana,.."
"Hala bagay po kayo. Two broken people fix their own broken pieces then make it stronger and whole again."
"Ano po name ng love team nyo #JakJack?"
"so bagay kayo Jack "
"yeeees grabeeee!!!!!!! nakakakiliiiiig Jack and Jackie bagay kayo ang lakas ng chemistry "
"parang looking badboy na c jak"
"Huuuuy yung 3 months rule Jaaaack! HAHHAHAHAHHAHA"
"pwde kayo nlng sir "
Matatandaang kamakailan lang ay kinakiligan ng studio audience ang banat ni Jackie kay Jak sa isang episode ng “It’s Showtime.”
MAKI-BALITA: Jackie Gonzaga, bumanat kay Jak Roberto: 'Para kang buwan'