Sasabak muli ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards sa hosting para sa bagong show na niluluto ng GMA Network.
Sa ulat ni Nelson Canlas sa 24 Oras kamakailan, ibinahagi niya ang tungkol sa proyekto at ang pamamahinga sa pag-arte.
“I’ll be a host for a show for GMA. I think we’ll start grinding by March, and then it will air on June,” saad ni Alden.
Dagdag pa niya, "My last was 'Battle of the Judges' pa and it really did well so ngayon it's another new concept."
Matatandaang nagsilbi ring host si Alden sa ginanap na Miss Universe Philippines 2024 sa SM Mall of Asia Arena.
MAKI-BALITA: MUPH poster ni Alden bilang host, 'pang-top agent' datingan
Sa katunayan, umani pa nga ng samu’t saring reakisyon at ginawa pang meme ang tila pasigaw at pagalit niyang paraan ng hosting.
MAKI-BALITA: 'Live show eh!' Mga agaw-eksena at 'bloopers' sa coronation night ng MUPH 2024