March 12, 2025

Home BALITA National

Babaeng nagwawalis lang malapit sa kanilang bahay, patay nang pagbabarilin

Babaeng nagwawalis lang malapit sa kanilang bahay, patay nang pagbabarilin
(MB file photo)

Isang 45-anyos na babae sa Rodriguez, Rizal ang nasawi matapos umano siyang pagbabarilin ng riding-in-tandem habang nagwawalis malapit sa kanilang bahay.

Base sa ulat ng Unang Balita ng GMA News nitong Biyernes, Pebrero 7, inihayag ng pulisya na nagwawalis lamang ang babae malapit sa kanilang bahay nang biglang dumating ang dalawang indibidwal na nakasakay sa motorsiklo.

Bumaba umano ang nakaangkas sa motor, at doon na pinaputukan ang biktimang nasawi matapos magtamo ng dalawang tama ng bala.

Dagdag ng ulat, away sa lupa ang tinitingnang dahilan ng krimen.

National

ALAMIN: Ang posibleng detention center ni FPRRD sa ICC

Matagal na umanong pinaaalis ang biktima at kaniyang pamilya sa loteng kinatitirikan ng kanilang bahay ngunit hindi sila umaalis.

Wala raw titulo ang naturang lote at ang pinanghahawakan lamang ng pamilya ay ang tagal ng kanilang paninirahan dito.

Samantala, ilang oras matapos mangyari ang krimen, nahuli rin umano ng mga awtoridad ang isang suspek na siyang itinuturong nagmaneho ng motor, ngunit patuloy raw nitong itinatanggi ang pagkakasangkot dito.

Pinaghahanap pa rin naman umano ng mga awtoridad ang mismong bumaril sa biktima.