February 06, 2025

Home BALITA Probinsya

Private plane bumagsak sa Maguindanao del Sur; 4 patay, kalabaw nadamay

Private plane bumagsak sa Maguindanao del Sur; 4 patay, kalabaw nadamay
Photo courtesy: Contributed photo/Facebook

Kinumpirma ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na isang maliit na private plane ang bumagsak sa Maguindanao del Sur nitong Huwebes, Pebrero 6, 2025. 

Batay sa ulat ng Philippine News Agency (PNA), sinasabing bumagsak umano ang private plane na Beech King Air (B350) bandang 2:30 ng hapon sa barangay Malatimon sa bayan ng Ampatuan ng naturang probinsya. 

Samantala, batay sa mga larawang inilabas ng 95.7 Brigada Roxas Capiz, isang kalabaw umano ang nadamay sa pagbagsak ng nasabing eroplano. Batay sa larawan, makikitang tila natapyas ang nguso ng nasabing kalabaw na nasa tabi ng debris ng bumagsak na eroplano.

Kaugnay nito, tinatayang nasa apat na ang umano'y kumpirmadong nasawi sa trahedya na hindi pa tukoy ang pagkakakilanlan. 

Probinsya

Bangkay ng lolang halos 2 araw na umanong naaagnas, naputol ang ulo dahil sa aso?