March 12, 2025

Home SHOWBIZ

Ogie Diaz, may gustong palinawin kay Alfred Vargas sa isyu ng 'pamumulitika'

Ogie Diaz, may gustong palinawin kay Alfred Vargas sa isyu ng 'pamumulitika'
Photo courtesy: Screenshot from Ogie Diaz, Kilusan Kontra Korapsiyon (FB)

Napa-react ang showbiz insider na si Ogie Diaz sa kumakalat na video ng re-electionist sa pagkakonsehal ng 5th district ng Quezon City at aktor na si Alfred Vargas, na tungkol daw sa paraan ng "pamumulitika" niya sa kalaban sa politika.

Ibinahagi ni Ogie sa kaniyang Facebook post ang video na ibinahagi naman ng "Kilusan Kontra Korapsiyon" na pumuna sa klase ng umano'y "pamumulitika" ni Vargas.

"GANITO ANG MAGKAPATID NA VARGAS KUNG PAANO MANG ALIPUSTA NG TAO KUNG KAYA NILA GAWIN SA IBA

KAYA DIN NILA GAWIN SA INYO," mababasa sa caption.

Vice Ganda, pinabulaanan kumakalat niyang pahayag tungkol kay FPRRD

Kung papanoorin naman ang video, maririnig na sinabi ni Vargas, "Matikas 'di ba? Iyan ang gusto natin. Kasi kami, halimbawa, kami ni Cong. PM, 'pag namimili kami ng amin, pinipili namin 'yong magaganda at guwapo. Tapos kung titingnan ninyo, 'yong mga nakaupong leaders ng mga kalaban namin, mukhang adik."

"Hindi, totoo 'di ba? Saka puro may mga utang, mga nag-uuutang tapos hindi nagbabayad!"

Sabi pa niya sa isang kausap na "colonel" ay tila marami daw silang ikukulong na "adik" sa kabila.

Kaya naman sey ni Ogie sa kaniyang Facebook post, "Baka gustong linawin ito ni Alfred Vargas. Puro nega ang comment sa kanya. Bakit dumating na raw siya sa ganitong point ng pamumulitika?"

"Nakakalungkot naman ang mga nababasa ko sa comment section. "

Sinilip naman ng Balita ang mga mababasang reaksiyon at komento ng netizens tungkol dito, at narito ang ilan sa mga mababasa:

"Nakakahiya naman sa mga magkakaibang mga leader. ikaw na mismo na konsehal ang nang aalipusta sa mga leaders na yan, konsi sa sobrang taas mo masakit kapag lumagapak ka."

"Nakakahiya naman sa inyo mag kapatid kung mga adik kame Ano pa kayo MAGNANAKAW Ng Distrito Singko Hinay hinay Sa Pag sasalita Baka Bumalik sa inyo yan!!"

"Wow hiyang hiya nman sa adik na leader! ano pa kaya yang kagat kagat labi mo alfred hahaha may something kaden ba hahahaha. wag mapang husga hnd porket hnd pumabor sainyo yung mga tao eh lalaitin at ijujudge nyona!!! asan ang manners!"

"Awit sayo Konsi! May mga kaibigan din ho kami leaders nyo, pero ni minsan wala ho kami away. Dahil sa ginawa nyo magkakaroon nang 'GAP' mahal namin ang kaibigan namin magkaiba man kami nang sinusuportahan nandun ang respeto namin sa bawat isa."

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ni Vargas kaugnay sa isyung ito. Bukas ang Balita sa kaniyang panig.