February 13, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Cristine pumalag sa kuyog ng 'dual purpose' post: 'Bawal magkamali nowadays!'

Cristine pumalag sa kuyog ng 'dual purpose' post: 'Bawal magkamali nowadays!'
Photo courtesy: Cristine Reyes (IG/FB)

Umalma ang aktres na si Cristine Reyes sa mga okray at punang natanggap sa social media matapos niyang ibahagi ang larawan nila ng namayapang si Barbie Hsu, Taiwanese star na siyang gumanap bilang 'Shan Cai" sa phenomenal Asian series na "Meteor Garden."

Tila hindi nagustuhan at sinabing "insensitive" ng netizens si Cristine matapos niyang malungkot sa pagpanaw ng kaniyang "childhood favorite" at pagkatapos nito, binati niya ang sarili para sa 36th birthday.

"Rest in peace our childhood favorite," mababasa sa post.

"also, happy 36th bday sa akin ngayon araw na 'to."

Tsika at Intriga

Reklamo ni Sandro Muhlach na <b>‘acts of lasciviousness’ laban kina Nonez at Cruz, ibinasura ng Pasay court</b>

Agad na nag-trending sa X si Cristine at shinare ng netizens ang screenshot nito para kuyugin.

Kinabitan pa si Cristine ng mga bansag gaya ng "Mixed Emotions Kween" at "Dual Purpose Kween" dahil dito.

MAKI-BALITA: Mixed emotions? Cristine kinuyog sa pa-RIP kay Barbie Hsu, self-b-day greeting

Matapos makatanggap ng katakot-takot na bash, agad ding binura ni Cristine ang kaniyang Facebook post. Subalit sa kaniyang Instagram story, agad siyang bumwelta sa mga sumita sa kaniya.

Mababasa, as is, "Maligayang kaarawan sa akin."

"Yun na lang.. oks na!?"

"Kailangan palaging perfect. Bawal magkamali nowadays.. May kalupitan na kapalit sa mga bagay kapag nagkamali ka e, diba?"

"Marahil ako nga talaga ay nag-luluksa ngayong kaarawan ko."

"Good?"

"Ang daming magagaling sa mundo," aniya pa.