Pinalagan ng social media personality at negosyanteng si Viy Cortez ang isang blind item tungkol sa social media personality couple na binayaran daw ng ₱50 milyon ng isang senatorial aspirant para lamang ikampanya siya sa nalalapit na eleksyon.
Buwelta ni Viy sa kaniyang Facebook post noong Pebrero 2, hindi na raw sana siya nagtitinda ng mga panghugas ng sensitibong bahagi ng katawan ng babae at lalaki kung totoo man ito.
"Shutakkayo anong 50M pinagsasabi nyo HAHAHAHAHA magtitinda pa ba ko panghugas ng kipay at ratbu kung may nagbigay sakin nyan ," aniya.
Dagdag pa niya, "bumili na kayo para hindi kayo pumanghi at magkatotoo pa yan HAHA."
Noong 2024, marami ang nagbigay ng reaksiyon at komento sa Facebook post ni senatorial candidate Camille Villar kasama si Viy sa isang supermarket, na pagmamay-ari ng pamilya Villar.