Sinariwa ni Kapamilya star at “It’s Showtime” host Kim Chiu ang pagkahumaling niya sa hit Asian series na “Meteor Garden” na pinagbidahan ng pumanaw na si Barbie Hsu.
Sa latest X post ni Kim noong Lunes, Pebrero 3, ikinuwento niya ang makulay na childhood niya dahil sa panonood ng serye ni Barbie pagkatapos pumasok sa paaralan.
“[N[aalala ko after school magmamadali ako umuwi para mapanood lang ang meteor garden, pag di ko na maabutan makikinood ako sa karinderya sa labas ng school namin,” saad ni Kim.
Dagdag pa niya, “OMG!!!! I love you SanChai!!!! May you rest in peace! Thank you sa makulay namin childhood. Pigtail braids!”
Matatandaang kinumpirma ng nakababatang kapatid ni Barbie ang pagpanaw nito noon ding Lunes, Enero 3, dahil sa komplikasyong dulot ng influenza.
MAKI-BALITA: 'Paalam, Shan Cai!' Ano nga ba ang ikinamatay ni Barbie Hsu?