February 04, 2025

Home BALITA National

Chief of staff ni VP Sara, balik-OVP na

Chief of staff ni VP Sara, balik-OVP na
Photo courtesy: Office of the Vice President (OVP)

Naispatan na ang Chief of Staff ni Vice President Sara Duterte na si Zuleika Lopez sa Office of the Vice President (OVP), Lunes, Pebrero 3, sa isinagawang flag ceremony ng tanggapan. 

Makikita sa isa sa mga kalakip na larawan sa Facebook post ng OVP na nakangiting lumahok si Lopez sa photo opportunity kasama si VP Sara at iba pang mga kasamahan, matapos ang flag ceremony.

Bahagi naman ng programa ang pagsasalita ni Commission on Elections (Comelec) Spokesperson Director John Rex C. Laudiangco, para sa pagtalakay ng "Dos and Don'ts" at dry run para sa tamang proseso ng pagboto sa araw ng eleksyon.

Nanumpa rin umano ang bagong hanay ng mga opisyal ng Office of the Vice President Employees’ Association (OVPEA) na naglalayong patatagin ang pagkakaisa sa hanay ng mga empleyado ng OVP.

National

Mark Lopez sa kinahaharap nila sa Kamara: ‘Laban po ito ng sambayanang Pilipino’

Bilang pagtatapos, nagbigay raw ng mensahe ng pasasalamat si VP Sara at bumati ng Happy Lunar New Year sa lahat.

Matatandaang nagkaroon ng "drama" sa Kamara noong Nobyembre 2024 matapos maimbitahan si Lopez para sa pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability kaugnay sa ilang mga isyung kinasangkutan ni VP Sara.

Nobyembre 20, nang i-contempt ng House of Representatives si Lopez dahil umano sa liham ng OVP sa Commission on Audit (COA) na naglalaman na huwag ilahad sa Kamara ang audit nito sa ahensya.

MAKI-BALITA: VP Sara, dinamayan tauhan niyang nakadetine sa Kamara dahil sa contempt order

MAKI-BALITA: Lopez habang umiiyak na nakayakap kay VP Sara: 'Huwag mo akong iiwan'

MAKI-BALITA: What's next? Atty. Zuleika Lopez, may release order na mula Committee on Good Government

Inirerekomendang balita