Tinuldukan ni BINI leader Jhoanna Robles ang mga umuugong na espekulasyon tungkol sa kahihinatnan ng kanilang grupo.
Sa X post ni Jhoanna kamakailan, pinabulaanan niya na wala raw mawawala o mababawas sa BINI.
Aniya, “Walang mababawas. Walang mawawala. His plan is the only plan. ‘Wag magpapaniwala sa fake news.”
Umani ang post ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"Those are troll accounts. Lumalaganap na naman sila because of election season na. Nagpaparamdam na sila. Naka-private sila, awayin ko sana eh hahahaha."
"Additional member Jho, ayaw niyo? Hahahaha. Eme lang!"
"Hindi talaga kami naniwala sa mga fake news na 'yan. Still, thank you for addressing the issue, Jho. #walohanggangdulo"
"Walang kakalas sa pamilyang ito!"
"saw it on tiktok too, we know jho, walo hanggang dulo to ily girls "
"Dedma sa basher jho"
"Mabawasan na sahod ko wag lang kayo hehe Palayo sa fake news"
Matatandaang sa isang episode ng Showbiz Updates kamakailan ay inispluk ni showbiz insider Ogie Diaz ang sinabi umano ng isang manghuhula na isang miyembro umano ng BINI ang aalis para magsolo.
MAKI-BALITA: BINI, mabubuwag na nga ba?
Pero bago pa man ito, hinulaan na rin noong Setyembre 2024 ni “Asia's Nostradamus" Jay Costura ang magiging kapalaran ng BINI sa darating na hinaharap.
MAKI-BALITA: BINI tinaningan; dalawa hanggang tatlong taon lang daw, disbanded na!