Arestado ang 45-anyos na basketball coach sa Atimonan, Quezon matapos umano nitong molestiyahin ang 15-anyos na basketball player.
Ayon kay P/MAJ Bokyo Abellanida ng Atimonan, nahikayat umano ang biktima na sumali sa basketball team na binuo ng suspek.
Nangyari umano ang pangmomolestiya sa bahay mismo ng suspek matapos niyang papuntahin ang binatilyo para ipasa ang mga kinakailangang dokumento sa pagsali nito sa team na binuo niya.
Nanginginig umano sa takot ang biktima na humingi ng tulong sa mga awtoridad na nagsagawa ng follow up operation.
Sa kasalukuyan, nasa kustodiya na ng Atimonan Municipal Police Station ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 7610 o “Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act.”
Samantala, tinutulungan na umano ng Women and Children Protection Desk Police Non-commissioned Office ang biktima habang nakikipag-ugnayan sa iba pang ahensya para sa psychological intervention nito.