April 25, 2025

Home BALITA National

Amihan, nakaaapekto sa Northern, Central Luzon; easterlies naman sa natitirang bahagi ng PH

Amihan, nakaaapekto sa Northern, Central Luzon; easterlies naman sa natitirang bahagi ng PH
Courtesy: PAGASA/website

Inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Martes, Pebrero 4, na ang northeast monsoon o amihan ang kasalukuyang nakaaapekto sa Northern at Central Luzon habang ang easterlies naman sa mga natitirang bahagi ng bansa.

Base sa tala ng PAGASA kaninang 4:00 ng madaling araw, inaasahang magdudulot ang malamig na hanging amihan ng maulap na kalangitan na may kasamang mga pag-ulan sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Aurora, at Quezon.

Malaki naman ang tsansang magdudulot ang easterlies—na tumutukoy naman sa mainit na hanging nagmumula sa karagatang Pasipiko—ng maulap na kalangitan na may kasamang kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Surigao del Sur, Davao Oriental, at Davao de Oro. 

Pinag-iingat ng weather bureau ang mga residente sa mga nasabing lugar sa posibleng pagbaha o kaya nama’y pagguho ng lupa tuwing magkakaroon ng malalakas na pag-ulan.

National

'Gagawin nating alaala, kasaysayan na lang ang mahal na bigas!'—Romualdez

Samantala, medyo maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang isolated light rains ang inaasahang mararanasan sa Metro Manila, Ilocos Region, at mga natitirang bahagi ng Central Luzon at CALABARZON dahil pa rin sa amihan. Wala namang inaasahang malaking epekto ang mga magiging pag-ulan dito.

Inaasahan ding magdadala ang easterlies ng medyo maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang isolated rainshowers o thunderstorms sa mga natitirang bahagi ng bansa. Posible ang pagbaha o pagguho ng lupa rito tuwing magkakaroon ng malalakas na thunderstorms.

Sa kasalukuyan ay wala namang binabantayan ang PAGASA na anumang low pressure area (LPA) o iba pang bagyo sa loob o labas ng Philippine area of responsibility (PAR).