Inamin ni Sen. Ronald "Bato" Dela Rosa na siya ang huling pasahero ng babaeng pilotong nasawi matapos bumagsak ang kinalululang helicopter sa isang bayan sa Guimba, Nueva Ecija noong Sabado ng hapon, Pebrero 1.
MAKI-BALITA: Helicopter bumagsak sa Nueva Ecija, 25-anyos na babaeng piloto patay!
Batay pa sa mga ulat, ang nabanggit na lady pilot ay piloto umano ni television host-senatorial aspirant Willie Revillame.
MAKI-BALITA: Namatay sa bumagsak na helicopter sa Nueva Ecija, piloto ni Willie Revillame
Sa isang ambush interview, isinalaysay ni Sen. Bato ang mga pangyayari bago ang trahedya. Aniya, nag-boluntaryo daw ang lady pilot na ilipad siya at kaniyang dalawang security personnel sa Baguio City para sa isang engagement.
Ang ama raw ng lady pilot na si Julia Flori Po ay malapit daw kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Salaysay ng senador, naging "smooth" naman daw ang naging biyahe nila at wala naman daw siyang naramdamang "unusual."
"Very smooth naman ang flight namin going towards Baguio. Napaka-smooth at masaya kami sa flight. Wala kaming naramdamang anything unusual," kuwento ng senador.
Nang matanong naman kung maituturing ba niyang "blessing in disguise" na hindi na siya nagpahatid mula Baguio patungong Pangasinan, "oo" naman ang naging tugon ng senador.
"Kasi kung nagpahintay pa ako matapos ang engagement ko sa Baguio para bumaba [at] sumakay ulit, magpahatid sa Binmaley, ayaw ko masacrifice 'yong oras dahil magsara agad 'yong clouds diyan sa Baguio. Kaya sabi ko i-drop na lang ako. Pag drop uwi na agad siya," paliwanag ni Sen. Bato.
Nakatanggap na lamang daw siya ng mga text na hindi na ma-contact ang lady pilot.
Sa Facebook page naman ng PDP-Laban, makikita ang pagdalaw nina Sen. Bato, Sen. Bong Go, at dating Pangulong Rodrigo Duterte sa lamay ng lady pilot, Linggo ng gabi, Pebrero 2.