February 03, 2025

Home BALITA National

Rep. Cendaña, flinex suot na ‘peach’ ribbon habang kasama si Rep. Roman sa Kamara

Rep. Cendaña, flinex suot na ‘peach’ ribbon habang kasama si Rep. Roman sa Kamara
(Photo courtesy: Akbayan Rep. Perci Cendaña/FB)

Flinex ni Akbayan Rep. Perci Cendaña ang pagsuot niya ng “peach” ribbon sa Kamara nitong Lunes, Pebrero 3, habang kasama niya si Bataan 1st District Rep. Geraldine Roman.

Sa isang Facebook post, ibinahagi ni Cendaña ang isang selfie photo kasama si Roman na nakangiting nakaturo sa suot niyang peach ribbon.

“PEACH Perfect on a Monday,” ani Cendaña sa naturang post.

Matatandaang nagsuot din si Cendaña ng peach ribbon nang pangunahan niya ang “Misa ng Sambayanan: May Kapayapaan kung May Katarungan" sa EDSA Shrine Church noong Enero 16, na naglalayong ipanawagan ang pag-usad ng impeachment complaints laban kay Vice President Sara Duterte.

National

Malacañang, sinigurong gagamitin ng gov’t ang 2025 budget nang may ‘transparency’

Si Cendaña ang nag-endorso ng unang impeachment complaint laban kay Duterte na inihain ng iba’t ibang civil society leaders ng bansa sa Kamara noong Disyembre 2.

Nakalahad sa naturang reklamo ang apat umanong major grounds para sa pagpapatalsik kay Duterte: ang “culpable violation of the Constitution, graft and corruption, bribery, betrayal of public trust, and other high crimes.”

MAKI-BALITA: Grounds ng impeachment laban kay VP Sara, inisa-isa ng civil society leaders

Samantala, sa kasalukuyan ay tatlong impeachment complaints ang nakahain laban sa bise presidente, kung saan sinabi ni House Secretary General Reginald Velasco nito ring Lunes na ipapadala na nila ang mga reklamo sa opisina ni House Speaker Martin Romualdez ngayong linggo.

MAKI-BALITA: Impeachment complaints vs VP Sara, ipapadala na sa Speaker's office ngayong linggo - Velasco