Ibinida ni “Batang Riles” star Miguel Tanfelix ang kaniyang bagong haircut sa pagpasok ng Pebrero.
Sa latest Instagram post ni Miguel noong Linggo, Pebrero 2, makikita ang pagbabago sa looks niya bago at pagkatapos magupitan.
“[N]ew month, new haircut,” saad ni Miguel sa caption
Umani ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"Omg! parang si Piolo Pascual"
"burst fade ya "
"Ang gwapo kainis"
"Pogi mo idol ganyan din hair cut ko fade"
"Bakit ang gwapo? "
"bilis ah hahahha"
"And that’s your signature cutMiguel is back"
"MAs guapo kpa kay DJ."
Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, umabot na sa mahigit 13K likes at 227K views ang nasabing video ni Miguel.
KAUGNAY NA BALITA: 'Akala fan account?' Zsa Zsa Padilla, nag-sorry matapos 'di mapansin si Miguel Tanfelix