February 05, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Liza Soberano, inunfollow sina James Reid at Issa Pressman?

Liza Soberano, inunfollow sina James Reid at Issa Pressman?
Photo courtesy: Issa Pressman, Liza Soberano (IG)

Usap-usapan ng mga netizen ang tsikang inunfollow sa Instagram ng dating Kapamilya star na si Liza Soberano ang dating manager na si James Reid, kasama na ang jowa niyang si Issa Pressman.

Ibinahagi sa entertainment site na "Fashion Pulis" ang mga "ebidensya" o patunay na hindi naka-follow si Liza kina James at Issa, pero kapag bibisitahin naman ang accounts ng dalawa, ay naka-follow pa sila kay Liza.

Binisita ng Balita ang Instagram accounts ng tatlo para matiyak ito, at napatunayan ngang hindi naka-follow si Liza kina James at Issa, pero ang couple ay naka-follow pa rin sa kaniya.

Photo courtesy: Screenshot from Liza Soberano (IG)

Bagama't hindi naka-follow si Liza kay Issa, naka-follow naman siya sa sisteret nitong si Yassi Pressman.

Tsika at Intriga

BINI Jhoanna, nagsalita sa tsikang malalagasan sila ng isang miyembro

Photo courtesy: Screenshot from Liza Soberano (IG)

Matatandaang umalis si Liza sa ilalim ng talent management ni James na "Careless" at nag-push sa iba pang mga pangarap niya sa kaniyang career sa ibang bansa.

MAKI-BALITA: Liza Soberano, lumayas na raw sa management ni James Reid?

Si James naman, bumalik sa Pilipinas at pumirma ng kontrata sa ABS-CBN para ituloy ang kaniyang music career. Hindi pa kumpirmado kung sasabak na ulit siya sa acting.

Isa pa sa mga umiikot na tsika ay pagkakaugnay ni Liza sa dating business partner ni James na si Jeffrey Oh, pero wala pa itong kumpirmasyon mula sa dalawa.

MAKI-BALITA: 'Paano na LizQuen fans?' Liza Soberano, jowa ang CEO ng 'Careless' na si Jeffrey Oh?

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag sina Liza, James, at Issa kaugnay nito.