February 05, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Pia pumalag sa dasal na sana i-divorce siya ng mister na si Jeremy

Pia pumalag sa dasal na sana i-divorce siya ng mister na si Jeremy
Photo courtesy: Pia Wurtzbach (IG)

Inalmahan ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach-Jauncey ang birada sa kaniya ng isang netizen, na sana raw ay mag-file ng diborsyo o pagpapawalang bisa ng kasal nila ang mister na si Jeremy Jauncey dahil sa bintang na isa siyang "user."

Ibinahagi ni Pia sa kaniyang Instagram story ang DM o direct message sa kaniya ng nabanggit na netizen. Una na rito ay nang mag-react ang nabanggit na netizen sa kaniyang IG story, na sinita ang kulay ng kaniyang luxury purse.

"Why black and brown Hermes purse is all you got? Para madali iterno? Di afford unique design?" saad ng nabanggit na netizen.

Sumunod pa, 'Praying for your divorce soon, soon he will realize you are a user and can't bring anything in the table. Pero MAS maganda if pregnant ka muna so you'll be divorce single mom. Manifesting."

Tsika at Intriga

BINI Jhoanna, nagsalita sa tsikang malalagasan sila ng isang miyembro

Ibinahagi naman ito ni Pia sa kaniyang IG story at kinomentuhan.

"Just another day, another DM. Wild, right? C'mon people. Bagong taon na. Nag CNY pa. It's exhausting, and hurtful din ha. Let's stop normalizing this kind of online behavior. Out na natin yung ganito for 2025 and instead, let's be nice to each other and support and uplift one another."

Photo courtesy: Screenshot from Pia Wurtzbach (IG)

Pagkatapos nito ay hindi na nagbahagi pa si Pia kung sumagot pa sa kaniya ang nabanggit na netizen. Hindi rin ibinahagi ni Pia ang anumang pagkakakilanlan nito.