March 12, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Mark Herras sa mga minamasama pagsayaw niya sa gay bar: 'Wala akong pakialam!'

Mark Herras sa mga minamasama pagsayaw niya sa gay bar: 'Wala akong pakialam!'
Photo Courtesy: Screenshots from Toni Talks (YT)

Nagbigay ng reaksiyon si Kapuso actor-dancer Mark Herras sa mga komentong natanggap niya matapos sumayaw sa isang gay bar kamakailan.

Sa latest episode ng “Toni Talks” noong Biyernes, Enero 31, sinabi ni Mark na nasa yugto na raw siya ng kaniyang na wala na raw siyang pakialam pa sa sasabihin ng ibang tao.

“Actually, nagulat ako na nag-viral siya tapos natuwa ako na may nagde-defend. May iba pang mga press na, alam mo na, tatawa-tawa pa habang kinukuwento,” lahad ni Mark.

Dagdag pa niya, “Sabi ko, ‘talaga ba? Pinagtatawanan n’yo pa ako?’ Hindi naman ako humihingi ng awa pero nasa stage ako ng buhay ko na wala akong pakialam sa mga sinasabi nila.” 

Tsika at Intriga

Rosmar trending dahil sa pagtindig para kay FPRRD

Gayunman, kahit dedma siya sa mga negatibong komento ng tao sa ginagawa niya, aminado si Mark na apektado raw ang misis niya.

Aniya, “Lagi ko siyang sinasabi sa kaniya, ‘stop reading things na alam mong hindi maganda ang magiging kalalabasan.’” 

Matatandaang pinag-usapan ng mga netizen ang kumalat na video clip ng pagsayaw ni Mark sa nasabing gay bar at humakot ng samu’t saring reaksiyon.

MAKI-BALITA: Mark Herras, nag-ala 'Magic Mike' daw sa isang entertainment bar; usap-usapan

Ngunit ayon nga sa kaniya, hindi naman mapapakain ng mga komento ng ibang tao ang pamilya niya.