February 01, 2025

Home BALITA Probinsya

Magkapatid sa Zamboanga, natagpuang naaagnas sa loob ng sirang pick-up truck

Magkapatid sa Zamboanga, natagpuang naaagnas sa loob ng sirang pick-up truck
Photo courtesy: Pexels and contributed photo/Facebook

Patay na nang matagpuan ang mga labi ng dalawang magkapatid na menor de edad sa loob ng isang pick-up truck sa Zamboanga del Norte. 

Ayon sa ulat ng Frontline Pilipinas kamakailan, posible umanong naglaro sa nakaparadang sirang pick-up truck ang magkapatid na nasa edad 5 at 6 na taong gulang. Isang residente umano sa kanilang lugar ang nakaamoy nang masangsang na amoy malapit sa may talyer kung saan nakaparada ang naturang sasakyan. Sinundan umano ng lalaki ang pinanggagalingan ng mabahong amoy na siyang nagturo sa kinalalagyan ng mga labi ng biktima.

Batay sa mga awtoridad, halos naaagnas at nabubulok na raw ang katawan ng magkapatid na tinatayang tatlong araw nang nawawala. Inakala lang daw ng ina ng mga biktima na pumunta lang ang kaniyang mga anak sa bahay ng kanilang lola sa di kalayuan. 

Lumalabas din sa imbestigasyon na tila sinubukan pa raw ng mga biktima na basagin ang salamin ng sasakyan upang makalabas, ngunit bigo ang mga ito. 

Probinsya

Lola sa Cebu, natagpuang pugot ang ulo!

"Nag-try sila na pukpukin. Nag-try talaga sila na mabasag yung harapan na windshield. Hindi naman nabasag, nag-crack lang,” ani P.Capt. Coy Malayo sa panayam niya sa media. 

Samantala, nanghihingi naman ng tulong ang ina ng mga biktima para umano sa pampalibing ng kaniyang mga anak, dahil matagal na raw siyang hiwalay sa kaniyang asawa.