February 01, 2025

Home BALITA Probinsya

Lalaki, nag-amok sa family reunion; 3 patay, 2 sugatan

Lalaki, nag-amok sa family reunion; 3 patay, 2 sugatan
Photo courtesy: Pexels

Nauwi sa malagim na trahedya ang reunion ng isang pamilya sa Sitio Ubas, Barangay Kidalapong, Malita, Davao Occidental, matapos mag-amok ang isang lalaki. 

Ayon sa ulat ng Brigada PH nitong Sabado, Pebrero 1, 2025, tatlo ang kumpirmadong patay habang dalawa naman ang nagtamo ng mga sugat matapos manaksak ng isang lalaki.

Lumalabas sa imbestigasyon na ang asawa ng suspek ay kaanak umano ng mga biktima. Hinahanap daw ng lalaki sa naturang reunion ang misis at inakusahan ang nasabing pamilya na itinatago umano ang kaniyang asawa at kalauna'y nauwi sa gulo.

Samantala, nasa kustodiya na raw ng pulisya ang suspek na inamin ang naturang krimen. Depensa ng suspek, bine-brainwash umano ng pamilya ng mga biktima ang kaniyang asawa, dahilan upang iwanan daw siya nito. Aminado rin umano ang suspek na sinasaktan niya noon ang kaniyang misis. 

Probinsya

Lola sa Cebu, natagpuang pugot ang ulo!

Nahaharap sa kasong multiple murder at multiple frustrated murder ang suspek.