February 24, 2025

Home SHOWBIZ

Kiray, kumita ng ₱8M sa live selling sa loob ng 6 na buwan?

Kiray, kumita ng ₱8M sa live selling sa loob ng 6 na buwan?
Photo courtesy: GMA Network

Tila napa-sana all na lang ang mga netizen sa pa-reveal ng komedyanteng si Kiray kung gaano kalaki ang kita niya sa pagla-live selling ng iba't ibang mga produkto, na patok na patok ngayon hindi lamang sa mga pangkaraniwang netizen, kundi pinapasok na rin ng ilang celebrities.

Noong Lunes, Enero 27, ay inilunsad na ni Kiray ang kaniyang bagong negosyong slimming and beauty products.

Sa panayam ng media kay Kiray na makikita sa TikTok account ng TV5 showbiz news reporter na si MJ Marfori, nagsalita si Kiray sa ilang netizen na nagtatanong daw sa kaniya kung bakit hindi na siya aktibo masyado sa TV at panay live selling na.

"May mga nagko-comment, sinasabi nila 'Live seller ka na? Hindi ka na artista? Siguro wala ka nang work,' ang daming ganun... pero hindi n'yo po alam yung nabibigay ng live selling sa akin, marami po akong natutulungan na tao. Mas marami akong natutulungan na tao," pagbibigay-diin ng komedyana.

Anne Curtis, pinag-birthday concert sa 'Showtime' nang hindi handa

Kung sa pag-aartista raw ay natutulungan niya ang pamilya niya dahil sa kinikita, sa pagla-live selling naman daw ay nabibigyan niya ng trabaho ang ibang tao.

Bagama't walang nabanggit si Kiray tungkol sa kita niya sa live selling sa nabanggit na TikTok video, mababasa naman sa caption nito ang detalyeng kumita raw siya ng ₱8 milyon sa pagla-live selling sa loob lamang ng anim na buwan.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Hello so proud kay kiray bata pa yan endorser ko na sa converse sa goin bulilit mabait yan pati mommy niya."

"Si Kiray talaga may pinaka magandang Character development sa lahat ng nasa Goin Bulilit. She's smart "

"Maliit lang Ang kita ng artista pag d ka sikat pero pag content creators or tiktok affiliates ka grabe kitaan "

"siya yung artista na kahit maraming bashers dedma lang, pero di nila alam na napaka bait ni kiray."

"madiskarte and masipag din talaga si Kiray, super bine-bless siya dahil matulungin din siya sa pamilya."

Congrats, Kiray!