Muling nilinaw ni Maloi Ricalde o "BINI Maloi" ang tungkol sa mga kumalat na intriga patungkol sa kanila ni Rivermaya lead vocalist Rico Blanco.
Matatandaang lumikha ng ingay ang umano'y pagkakaispat sa kanilang dalawa kasama ang iba pang mga artist na sina Zild Benitez, Blaster Silonga, Agnes Reoma at Pat Lasaten, sa kanilang trip sa La Union.
Nauna nang pinalagan ang ulat ng isang lokal na pahayagan patungkol dito at nilinaw niyang fake news ito.
MAKI-BALITA: BINI Maloi, nag-react matapos ma-link kay Rico Blanco
Sa naging panayam ng girl group sa "Fast Talk with Boy Abunda" noong Biyernes, Enero 31, muling nilinaw ni Maloi na unang beses lang daw nilang nagkita ni Rico sa trip na iyon, at nagkataon lamang dahil sa kanilang circle of friends.
"Actually, no'ng time na po ‘yon, do’n lang ‘yong first meet-up namin ni Rico Blanco. ‘Yong friends ko is friends din niya," paglilinaw ni Maloi.
Ipinaliwanag din ni Maloi ang kaniyang panig kung bakit siya pumalag sa headline ng lokal na pahayagan.
"As tao, as Pinoy na parang kung ano ‘yong mabasa mo ‘yon ang paniniwalaan mo, and hindi lahat ng tao nagbabasa ng body ng article. So, ‘yon na ‘yong napaniwalaan nila... ayoko na lumaki pa ‘yong gulo, at gusto ko nang linawin agad," ani Maloi.
Matatandaang naging kontrobersiyal naman kamakailan si Rico matapos urutin ng mga netizen kung ano ang masasabi niya sa kontrobersiyang kinasangkutan ng kaniyang ex-girlfriend na si Maris Racal sa reel partner nitong si Anthony Jennings.