Tinugon na ni Divine Diva Zsa Zsa Padilla ang Kapuso actor na si Miguel Tanfelix matapos nitong irekomenda ang sariling show na “Batang Riles” ng GMA Network.
Sa reply ni Zsa Zsa sa comment ni Miguel, humingi siya ng paumanhin dahil hindi niya raw agad nabasa ang ang message nito.
“Thanks for the reco!” panimula niya. “Will watch it next! My apologies, did not see your message earlier.”
Sa X post kasi ni Zsa Zsa kamakailan, nagtanong siya sa mga netizen kung ano ang kasunod niyang kahuhumalingan dahil tapos na raw niyang panoorin ang “Lavander Fields.”
“Natapos ko na din ang teleseryeng, Lavender Fields. Ano kaya next na kakahumalingan?” saad ng Divine Diva.
Komento naman ni Miguel, “hello ms zsa zsa! try nyo po silipin yung Mga Batang Riles hehe salamat po "
Matagal bago nakasagot si Zsa Zsa sa Kapuso actor. In fact, nakapag-post na siya ulit tungkol sa bago niyang pinapanood na walang iba kundi ang action series na “Incognito.”
Kaya naman umani ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang komentong ito ni Miguel. Narito ang ilan:
“HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA NAGMAMAKAAWA NA OH "”
"delete this right now "
"HAHAHAHA ano yan? akala ko ba widest reach to bakit nagmamakaawang ipanood yung show nila? "
"@MiguelTanfelix_ hello sana isang araw try mo din manood ng palabas ng abs at sana mka sama ka din sa isa teleserye ni @CocoMartinCCM"
"Di kasi naka verified kaya akala nya ata fan account"
"Pagbigyan nyo na po panoorin kawawa naman"
"I admire your humility @MiguelTanfelix_You just earned my respect. I am an Incognito viewer but because of this, I will give Mga Batang Riles a chance."
"Grabe naman kayo makasalita kay Miguel, buti nga sinabi niya yan politely eh, hindi naman nangaano yan si Miguel sa inyo pero binabash ninyo. Wala talaga kayong moral"
"Shutah akala ko fake "
"madam @zsazsapadilla hope ma notice nyo po si @MiguelTanfelix_gagawing issue nanaman ng mga followers nila na di nyo po sya pinansin. Alam nyo naman po ang mga fans nowadays."