January 31, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Rosmar 'natauhan,' hindi na tatakbo sa pagkakonsehal sa Maynila

Rosmar 'natauhan,' hindi na tatakbo sa pagkakonsehal sa Maynila
Photo courtesy: One PH, Rosemarie Tan-Pamulaklakin (FB)

Umurong na sa kaniyang kandidatura ang social media personality at negosyanteng si "Rosemarie Tan-Pamulaklakin" o mas kilala sa tawag na "Rosmar Tan" bilang konsehal sa unang distrito ng Maynila.

KAUGNAY NA BALITA: Rosmar, tatakbong konsehal sa Maynila: 'May nag-push po sa akin...'

Sa kaniyang Facebook posts noong Huwebes, Enero 30, ipinaliwanag ni Rosmar na "totoo raw ang chismis" na papunta siya sa tanggapan ng Commission of Elections (Comelec) para mag-withdraw ng kandidatura.

"Yes totoo ang chismis otw na po ako sa Comelec.," saad ni Rosmar sa kaniyang unang Facebook post tungkol dito.

Tsika at Intriga

Rendon 'proud kuya' kay Rosmar: 'Mas marami kang natulungan sa pag-atras mo!'

Dagdag pa niya, "Nakaabang na ang ibat ibang media. Para sa ikatatamihik ng lahat mag wiwithdraw na po ako sa pagtakbo pero tuloy pa rin ang pagtulong sa mga tao."

Sa sumunod na Facebook post, ipinaliwanag ni Rosmar ang dahilan ng kaniyang pag-atras sa pagtakbo bilang konsehal.

"Wala talaga sa puso ko ang pamumulitika kaya ako tumakbo bilang independente dahil na engganyo ako ng mga nagpatakbo sakin na 'MAS MARAMI DAW AKONG BUDGET SA PAGTULONG KAPAG NAKAPOSISYON AKO.' Sa totoo lang lahat ng partido na tatakbo sa pagka MAYOR sa Manila ay kinukuha akong under sa kanila. Pero never ako nag OO sa kahit anong partido. Mas nanaig sakin ung gusto ko mag isa lang ako.," aniya.

"Kaya ako napa-OO dahil akala ko mas marami akong matutulungan. Marami nag advice sakin na wag na kasi marumi daw ang pulitika. Habang tumatagal lalo ako namumulat sa Pulitika at para sa akin hindi maganda. pero as time goes by naisip ko na di ako masaya mangampanya lalo na nung time na bawal na mamigay ng paayuda at pera sa mga taong nangangailangan kasi considered vote buyiiiing na daw un.‍"

"Ang hirap sa pakiramdam na may lalapit sakin at hihingi ng tulong pero bawal kong bigyan dahil baka daw ako mapicturan. Bawal daw. Na aabsorb ko ang pain na dala dala nila."

"Masyado na napasukan ng pulitika ang pag tulong ko sa mga tao na sinimulan ko nung ako’y bata pa. Ilan beses din ako hinusgahan na kaya lang pala ako tumutulong dahil may balak daw ako tumakbo."

"Marami akong natutunan sa pag file ko. Hindi porket alam mong kaya mo ay kailangan mo ng tumakbo. Mas masarap pa rin sa pakiramdam tumulong ng galing sa puso. Pag tulong na walang kapalit."

"Masarap tumulong ng walang hinihingin kapalit sa mga tao. Ganun siguro talaga kapag bukal sa puso mo ang pagtulong sa mga tao."

"Ayoko rin ma pirmi sa iisang lugar kasi kung saan may nangangailangan ng tulong ko dun ako pupunta at magbibigay ng tulong sa mga tao," aniya pa.

Nagpasalamat si Rosmar sa lahat daw ng mga taong nagtiwala sa kaniya, lalo na sa kaniyang mister na si Jerome Pamulaklakin at pamilya niya, na ibinigay raw ang buong suporta sa kaniya kahit tutol sila sa pagsabak niya sa politika.

Isa pa raw sa dahilan kung bakit hindi na siya tatakbo ay dahil sa kaniyang pagbubuntis sa ikatlong baby nila ng mister.

"Sabi ko rin kung mabubuntis ako meaning hindi ako dapat tumakbo and ayan na nga 3months na kami ng 3rd baby ko.

Hindi man matuloy ang pagtakbo ko pangako ko sa mga taong nangangailangan. Pag takbo ko lang ang ititigil ko pero hindi ang pag tulong sa mga tao."

"Minsan na akong nasa-id sa pagtulong sa mga tao panahon ng pandemya. At wala akong pinagsisisihan kasi si Lord ang nagbalik sakin ng biyaya sobra sobra pa. Ganun talaga siguro kapag bukal sa puso mo ang pag tulong sa mga tao.‍"

Mensahe pa niya sa bashers niya, "Sa mga bashers ko na kapag nang bash sakin at pinatulan ko “GANYAN BA ANG TATAKBO?” HAHAHA ayan na pwedeng pwede ko na kayo patulan char HAHAHA."

Kamakailan lamang ay nagkaroon pa ng isyu tungkol sa ilan niyang beauty products sa merkado na umano'y hindi pasado sa standard ng Food and Drugs Authority (FDA).

MAKI-BALITA: Ilang panindang beauty products ni Rosmar, 'di raw pasado sa FDA