April 02, 2025

Home BALITA Eleksyon

Rendon Labador sa kandidatura ni Diwata: 'Kailan kaya aatras?'

Rendon Labador sa kandidatura ni Diwata: 'Kailan kaya aatras?'
Photo Courtesy: Rendon Labador (FB), Dhel Nazario/MB

Pinahagingan ni Rendon Labador ang kapuwa niya social media personality at paresan owner na si Deo Balbuena o mas kilala bilang “Diwata.”

Sa isang Facebook post kasi ni Rendon noong Huwebes, Enero 30, tinanong niya si Diwata kung kailan iaatras ang kandidatura nito bilang 4th nominee ng Vendors Party-list.

“Si Rosmar [Tan] umatras na, kailan kaya aatras si Diwata? Hindi pa ba natatauhan?” saad ni Rendon.

Sabi pa niya sa isang hiwalay na post, “Dalhin natin sa Marilque si Diwata kapag hindi umatras ”

Eleksyon

Bam Aquino, nagpasalamat kay Doc Willie Ong sa pagsuporta sa kandidatura

Matatandaang nagbigay na rin ng komento si Rendon hinggil sa paghahain ni Diwata ng Certificate of Nomination and Acceptance (CONA) noong Okturbre sa The Manila Hotel Tent City.

MAKI-BALITA: Rendon sa pagtakbo ni Diwata: 'Baka akala magluluto, magtitinda lang siya ng pares!'

Samantala, inihayag naman ni Rendon ang pagka-proud niya kay Rosmar matapos nitong matauhan na huwag nang ituloy ang pagkandidatong konsehal sa unang distrito ng Maynila.

MAKI-BALITA: Rosmar 'natauhan,' hindi na tatakbo sa pagkakonsehal sa Maynila

MAKI-BALITA: Rendon 'proud kuya' kay Rosmar: 'Mas marami kang natulungan sa pag-atras mo!'

“Proud kuya here! Isang taon din yun pinag isipan ah.. Muntik na tayo guys ” aniya.

Inirerekomendang balita