Iginiit ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na walang kinalaman sa “public trust” ang hair follicle drug test matapos siyang hamunin ng kaniyang dating executive secretary na si Vic Rodriguez na gawin ito.
Kamakailan lamang ay iginiit ni Rodriguez na dapat sumailalim si Marcos sa hair follicle drug test, kung saan binanggit niya ang Constitutional principle na ang “public office” ay isang “public trust.”
"No. Why should I do that? What is he saying public trust, public office-- it has nothing to do with a follicle test," sagot naman ni Marcos nang tanungin ng media sa isang panayam nitong Biyernes, Enero 31.
"Wala namang koneksyon yung sinasabi niya.
"He's always had that weakness every time we–when he was still working for me. If you believe in what he will say, why did he work for me?" saad pa niya.
Matatandaang kamakailan lamang nang maghain din si Rodriguez, kasama si Davao City Rep. Isidro Ungab ng petisyon sa Korte Suprema kontra sa ₱6.352-trillion General Appropriations Act (GAA) o 2025 national budget na mayroon umanong mga blangko.
MAKI-BALITA: Petisyong ipawalang-bisa 2025 nat’l budget, isinampa nina Rodriguez at Ungab sa SC
Dinepensahan naman ni Marcos ang national budget at iginiit na wala siyang nakitang blangko rito.
MAKI-BALITA: PBBM, dinepensahan 2025 nat’l budget: ‘I can’t find those damned blank items!’