How true ang tsika tungkol sa businessman-producer na kahit mayroon daw asawa ay nandakma umano ng pagkalalaki ng actor-politician sa isang bar?
Ayon sa blind item ng Philippine Entertainment Portal (PEP) nitong Biyernes, Enero 30, nagkaroon daw ng kaguluhan sa bar matapos pagtangkaan ng negosyanteng producer ang politikong aktor.
Lasing na raw kasi ang negosyanteng producer at nang magkrus ang mga landas nila sa comfort room, dinakot daw bigla nito ang harapan ng politikong aktor.
Siguro ay dahil naakit daw sa kakisigan ng politikong aktor ang negosyanteng producer dahil sa suot nitong jogging pants.
Kaya nagalit daw ang politikong aktor sa kahalayang ginawa sa kaniya ng negosyanteng producer. In fact, umabot daw sa presinto ang insidente dahil nagpa-blotter ang una at tinawagan pa ang misis ng huli.
Sa kasalukuyan, wala pa raw update kung natuloy ba ang kaso. Pero ayon sa kuwento, hindi raw nagpatinag ang negosyanteng producer. Ayaw nitong humingi ng paumanhin sa nangyari.