January 31, 2025

Home BALITA Eleksyon

Nasa 7,000 kapulisan, sasanayin umano ng Comelec bilang election board members

Nasa 7,000 kapulisan, sasanayin umano ng Comelec bilang election board members

Inihayag ng Commission on Elections (Comelec) na nasa 7,000 kapulisan umano ang kanilang ihahanda bilang backup poll workers para sa 2025 national and local elections (NLE).

Sa panayam ng media kay Comelec chairman George Erwin Garcia, ang pag-upo umano ng nasabing 7,000 pulis bilang election board members ay backup lamang kung sakaling may mga gurong umatras.

“We will be training more or less 7,000 from the Philippine National Police (PNP) to serve as the back-up ERBs just in case the regular members of the electoral board will not be able to serve in the elections,” ani Garcia.

Nilinaw din ni Garcia na hindi umano ito ang unang beses na magkakaroon pauupuin nila ang ilang miyembro ng Philippine National Police (PNP) sa eleksyon.

Eleksyon

Kiko Pangilinan, nagpasalamat matapos mapabilang sa 'Magic 12' ng SWS survey

“Ginawa na yan dati sa Cotabato City. Lahat ng electoral members hindi nag-serve noong 2022. Buti mayroon kaming DOST-certified na PNP personnel na para mag-serve as members of the electoral board,” anang Comelec chairman.

Magsisimula ang training sessions ng police personnel at ng Election Registration Board (ERB) members sa darating na Marso 3 hanggang Marso 31.