Nagpahayag ng pasasalamat si senatorial aspirant Kiko Pangilinan sa kaniyang mga taga-suporta, matapos siyang mapabilang sa ‘Magic 12” ng SWS senatorial survey.
Ang naturang survey ay inilabas ng SWS noong Huwebes, Enero 30, kung saan nangunguna rito si si senatorial aspirant Erwin Tulfo matapos makakuha ng 45% na boto.
KAUGNAY NA BALITA: Erwin Tulfo, nanguna sa senatorial survey ng SWS
Sa kaniyang social media accounts, inihayag ni Pangilinan nitong Biyernes, Enero 31, 2025 ang kaniyang pasasalamat.
“We wish to thank our volunteers, supporters and the voters who have come out to support our reelection bid. Our trajectory as shown in both Pulse and Sws has been upward since Sept last year and in the SWS survey we now rank 11 to 13 with 29 percent,” ani Pangilinan.
Umaasa rin daw si Pangilinan na magpatuloy-tuloy pa raw ang trajectory ng kaniyang kandidatura.
“I hope and pray that with our people’s continued support we can sustain the upward trajectory,” saad ni Pangilinan.
Itinuturing din umano ni Pangilinan na tagumpay ang pagsama ng kaniyang pangalan sa nasabing survey lalo na’t hindi umano sila naglalabas ng milyong halaga para makakuha ng suporta sa taumbayan.
“As the ranking shows, unlike our adversaries, we do not need to spend hundreds of millions or billions to win and we remain viable but we do need funding support and we hope we can crowd source this from our supporters.” giit ni Pangilinan.
Samantala, muli namang nanawagan si Pangilinan na suportahan ang kaniyang kandidatura para sa darating na eleksyon sa Mayo, kasama si Bam Aquino.
“Kasama si Bam Aquino, sama sama natin ipakita na may laban ang prinsipyo sa pera,” saad ni Pangilinan.