Umani ng iba't ibang reaksiyon at komento ang kumakalat na larawan ng umano'y pagkikita nina two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo at tatay niyang si Mark Andrew Yulo kamakailan, na hula ng mga netizen, ay matapos daw ang Philippine Sportswriter Association awards night noong Enero 27.
Sa Facebook post ng isang nagngangalang "Gerald Fajardo," makikita ang tila side view ni Caloy na nasa loob ng isang kotse, at sa bintana naman nito ay makikita ang bulto ni Mark Andrew.
"Drinking water... ," mababasa sa caption ng post, Enero 27, bandang 11:58 ng gabi.
"Kaway kaway FATHER ," dagdag pa.
Mapapansing tila nakalabas ang kamay ng "Athlete of the Year" sa bintana ng kotse habang nagwe-wave naman ng pamamaalam si Mark Andrew.
Isa pa sa napansin ng mga netizen ay ang isang kamay na may nail arts, na espekulasyong kay Chloe San Jose daw, partner ni Carlos.
Hindi naman nabanggit sa post kung bumaba ba sina Carlos at Chloe mula sa kanilang sasakyan.
Hindi rin malinaw kung ano ang kaugnayan ng uploader sa dalawa, subalit kung bibisitahin ang kaniyang profile sa Facebook, mababasa sa kaniyang cover photo na siya ay isang coach para sa modeling, dancing, acting, at personality development.
Espekulasyon pa ng mga netizen na maaaring larawan ito sa paghahatid nina Carlos at Chloe sa nakababatang kapatid ng una na si gymnast Karl Eldrew Yulo, na kasama ring nakatanggap ng special citation sa nabanggit na parangal.
Matatandaang naisyu pa nga ang video ng GMA Sports matapos mahagip ang pagtatanong ni Carlos kay Chloe kung isasama ba nila si Eldrew.
Sumang-ayon naman si Chloe at sinabing ihatid nila si Eldrew.
MAKI-BALITA: Mag-amang Carlos at Mark Andrew Yulo, nagkita na?
Going back sa larawan, umani naman ng iba't ibang reaksiyon at tila paghawak daw ng "mahiwagang kamay" sa bandang balikat ni Carlos, na binigyang-interpretasyon naman ng mga netizen, na tila akto raw ng "pagpigil."
Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens na makikita sa nasabing post.
"Abot kamay na pero di man lang bumaba para yumakap at magmano man lang."
"Itong boldstat na to panay hawak d man lng Pina baba si Caloy at d pinamano sa tatay nya. Takot na matauhan si Caloy. Kabahan kana Annabelle"
"Hindi man lang bumaba! Yung kamay ni goldi ang higpit ng hawak kay caloyyyyyy.. sana bumaba man lang bilang respito!"
"the design is like the father was just a mere lowly fan begging for his idol attention..."
"Grabe naman yung pagkakahawak sa balikat..."
"Yung kamay parang pumipigil"
"Ang kamay ni Goldie nakahawak lol"
Bagama't karamihan sa mga komento ay tila negatibo, may ilan ding nagsabing huwag agad husgahan si Chloe batay lamang sa nakita sa larawan.
Maaaring ang ibig sabihin daw ng paghawak ng kamay nito sa balikat ay pinu-push nito si Carlos na bumaba ng sasakyan at makipag-ayos o makipagbati na nang tuluyan sa ama.
Hangad naman ng iba na sana nga ay tuluyan na ngang magkaayos ang anak sa kaniyang mga magulang.
"hopefully 2025 will be the best for Yulo Family."
"For me naman parang pinupush ni chloe si carlos para makipagbati."
"I'm sure Carlos Edriel Yulo misses his family so much. Syempre love pa din natin parents and siblings natin no matter what."
"The best feeling Ng mag ama "
Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ni Carlos o ni Mark Andrew tungkol dito. Wala pa ring tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ni Chloe sa isyu.