January 31, 2025

Home BALITA National

DOH: Mga kaso ng mala-trangkasong sakit at dengue, bumaba!

DOH: Mga kaso ng mala-trangkasong sakit at dengue, bumaba!
(MB PHOTO BY ALI VICOY)

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng pagbaba sa bilang ng mga naitalang bagong kaso ng influenza-like illnesses (ILIs) o mala-trangkasong sakit at dengue sa bansa.

Sa inilabas na datos ng DOH, nabatid na hanggang Enero 18, 2025, umaabot na sa 5,789 ang ILIs na kanilang naitala.

Mas mababa ito ng 54% kumpara sa 12,620 kaso na nairekord nila sa kahalintulad na petsa noong 2024.

Mas mababa rin naman ng 96% ang mga nasawi sa sakit na nasa isa lamang, kumpara sa 26 noong nakaraang taon.

National

Romualdez, inalala dedikasyon ni Lagman para sa ‘human rights, good governance, social justice’

Ayon sa DOH, ang top six causative agents na naitala mula Enero 1-18, 2025 ay ang Influenza A, Influenza B, Rhinovirus, Enterovirus, Respiratory Syncytial Virus at Adenovirus.

Samantala, anang DOH, nasa 10,842 kaso na ng dengue ang kanilang naitala hanggang Enero 18, 2025 lamang.Ito ay 8% na mas mababa kumpara sa 11,781 kaso sa kahalintulad na petsa noong 2024.

Nakapagtala rin naman ang DOH ng 21 pasyenteng nasawi dahil sa dengue na 50% na mas mababa kumpara sa 42 na naitala noong nakaraang taon.

Nilinaw naman ng DOH na maaari pang mabago ang naturang bilang bunsod ng late reporting. 

Inirerekomendang balita