January 04, 2026

Home BALITA National

Catanduanes, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Catanduanes, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol
Courtesy: PAGASA/website

Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang probinsya ng Catanduanes nitong Huwebes ng madaling araw, Enero 30, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 12:50 ng madaling araw.

Namataan ang epicenter nito 13 kilometro ang layo sa timog-kanluran ng Panganiban, Catanduanes, na may lalim na 25 kilometro.

Naitala ang Instrumental Intensities sa mga sumusunod na lugar:

National

Leviste, pinuna pagtaas sa ₱18.58B ng MOOE ng Kamara sa 2026 nat'l budget

Intensity III - Virac, CATANDUANES

Intensity II - Panganiban, CATANDUANES

intensity I - Caramoan, CAMARINES SUR; Tabaco, ALBAY

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks o pinsala ng lindol.