Patay ang babaeng caretaker matapos umanong saksakin ng isang lalaking tenant na hindi raw makabayad ng renta sa inuupahang bahay sa Rizal.
Batay sa video ng Antipolo Police, maririnig ang naging pagatatalo ng suspek at biktima na nag-ugat umano sa paniningil ng renta. Ayon sa mga awtoridad hindi umano kinaya ng suspek ang pamamahiya ng biktima kung kaya’t naiuwi raw sa pananaksak ang kanilang diskusyon.
"Actually, tenant yung suspek natin at yung victim niya ay kapatid naman nung may ari ng property. So ayon sa kaniya, yung diginity niya is natatapakan tuwing sinisingil sila. According to the suspek ay binungangaan at dumating yung sukdulan ba na nakainom siya at nagkaroon sana siya ng lakas na i-confront yung biktima,"ani LRTCOL. Ryan Manongdo.
Tinatayang nasa ₱5,000 ang utang ng suspek sa kanilang renta. Samantala, nagtamo umano ng isang saksak sa dibdib ang biktima kung saan idineklara siyang dead on arrival pagdating nito sa ospital. Narekober din ng pulisya ang kutsilyo na itinuturing na murder weapon.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Antipolo Police ang suspek na nahaharap sa kasong murder.