January 31, 2025

Home BALITA Probinsya

Bangkay ng sanggol na umano'y pinalaglag at itinapon sa bakanteng lote, kinalkal ng aso?

Bangkay ng sanggol na umano'y pinalaglag at itinapon sa bakanteng lote, kinalkal ng aso?
Photo courtesy: contributed photo/Facebook

Nagulantang ang ilang residente sa Purok Masagana, Barangay. San Isidro, General Santos City matapos tumambad ang bangkay ng isang sanggol na umano'y tinangay ng isang aso.

Ayon sa ulat ng GMA News noong Miyerkules, Enero 29, 2025, nangyari ang insidente noong Martes, Enero 28, kung saan hinihinalang tinangay ng aso ang nasabing sanggol mula sa isang bakanteng lote. 

Batay sa imbestigasyon, posible umanong pinalaglag ang biktima matapos may matagpuang ilang tabletas ng gamot sa bangkay nito na pinaniniwalaang may kaugnayan sa abortion. 

"Doon, nakita itong mga unprescribed pills na sinusubukan namin i-confirm kung para saan ito. Kung yun ba ay after abortion or yun ba ang gamit para ma-abort ang bata, at ang makaka-testify niyan, ang mga attending physician natin," giit ni PMaj. Ivan Charles Abastillas, Commander, PS1-Gensan Police Office. 

Probinsya

28-anyos na lalaki, arestado matapos i-blackmail ex-jowang 15-anyos para sa 'closure'

Dinala na ang bankay ng sanggol sa isang punerarya habang patuloy umanong inaalam kung sino ang ina ng biktima. 

Nakikipagtulungan na raw ang mga awtoridad sa ilang clinics at ospital na maaaring makapagbigay ng impormasyon kung sakali umanong may babaeng nagpa-confine dulot ng pagbubuntis o panganganak. 

"Nag-coordinate din kami sa mga clinics and hospitals kung sakaling may nagpa-confine na babae na posibleng may indicators na bagong dating, dahil mag-bleeding pa naman siya. Pag-abortion, kailangan pa siyang raspahan para malinis," saad ni Abastillas. 

Inirerekomendang balita