January 31, 2025

Home BALITA Probinsya

28-anyos na lalaki, arestado matapos i-blackmail ex-jowang 15-anyos para sa 'closure'

28-anyos na lalaki, arestado matapos i-blackmail ex-jowang 15-anyos para sa 'closure'
Photo courtesy: Pexels

Naaresto ng pulisya ang isang 28 tong gulang na lalaki na nangingikil at namba-blackmail umano sa kaniyang ex-jowang 15-anyos sa Caloocan. Depensa ng suspek, pawang "closure" umano ang kaniyang habol.

Ayon sa ulat ng 24 Oras noong Miyerkules, Enero  29, 2025, dumulog na sa mga awtoridad ang dalagitang biktima matapos umano siyang pagbantaan ng suspek na ipapakalat ang kanilang maseselang video pati na rin ang kaniyang maselang mga larawan.

Nasakote ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group ang naturang suspek sa pamamagitan ng kanilang ikinasang entrapment operation.

Samantala, itinanggi naman ng suspek ang umano'y alegasyon sa kaniya ng biktima at iginiit na pawang closure ang kaniyang pakay sa ex-girlfriend. 

Probinsya

Groom na 'di sumipot sa kasal, arestado matapos i-blackmail ang ex-bride na makipagbalikan

"Siguro nadala lang ako ng bugso ng pagmamahal. Kaya siguro nagkakaganyan pero yung sinasabi nila, binibintang po nila nang-harass po ako,," anang suspek.

Dagdag pa niya, "Bigla mo lang hiniwalayan, bigla mo lang iiwan na parang wala lang. Bigyan mo lang ako ng ano... Para at least maaayos ang paghihiwalay natin." 

Mahaharap ang suspek sa patong-patong na reklamo, kabilang ang grave coercion at child abuse. 

Inirerekomendang balita