February 23, 2025

Home SHOWBIZ

'She is so happy!' Mukha ni Regine habang naglalakad kasama si Ogie, kinaaliwan

'She is so happy!' Mukha ni Regine habang naglalakad kasama si Ogie, kinaaliwan
Photo courtesy: Ogie Alcasid (IG)

Naaliw ang mga netizen sa latest Instagram post ni "It's Showtime" host at Original Pilipino Music (OPM) singer-songwriter Ogie Alcasid matapos niyang i-flex ang misis na si Asia's Songbird Regine Velasquez-Alcasid, habang sila raw ay nagwo-walking sa kanilang residential area.

Mababasa sa caption ni Ogie, "3rd straight day of walking with wifey. She is so happy!!! @reginevalcasid."

Pero sa kalakip na larawan, makikita ang tila "nakasimangot" na mukha ni Ate Reg habang nakatingin sa pa-selfie ng mister.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

Andi, isiniwalat kahulugan ng bagong tattoo sa braso

"kitang kita po talaga yung saya ni ate, kuya"

"Ang saya nga ni ate reg hahahaha."

"Cuteeee..."

"Ang saya nga hahahaha"