January 30, 2025

Home BALITA

QC Rep. Ralph Tulfo, nag-sorry sa pagdaan sa EDSA bus lane

QC Rep. Ralph Tulfo, nag-sorry sa pagdaan sa EDSA bus lane
Photo courtesy: via MB (X)

Nag-public apology Quezon City 2nd District Representative Ralph Tulfo dahil sa pagdaan niya sa EDSA busway na sinita ng awtoridad at binatikos ng mga netizen.

Matatandaang sinabi ng Department of Transportation’s Special Action and Intelligence Committee for Transportation (SAICT) na naispatan nila ang isang convoy na dumaan sa EDSA busway noong Enero 23, na may kaugnayan daw sa isang mambabatas.

Natukoy na ang nabanggit na mambabatas ay si Rep. Ralph Tulfo, anak ng mamamahayag na si Sen. Raffy Tulfo.

Sa isang Facebook post noong Martes, Enero 28, ay humingi ng paumanhin si Rep. Tulfo sa publiko.

National

Erwin Tulfo, nanguna sa senatorial survey ng SWS

"Lubos po akong humihingi ng paumanhin sa publiko, lalo na sa mga naapektuhan at naabala ng insidente kamakailan kaugnay sa pagdaan ng aking sasakyan sa EDSA bus lane," mababasa sa post ng representative.

"Nabayaran na po ang mga kaukulang multa at sasailalim sa kinakailangang seminar upang higit na maunawaan at maipaalala ang umiiral na batas trapiko."

"Nangangako po akong gagawin ko ang lahat ng hakbang upang maiwasan ang ganitong uri ng pagkakamali sa hinaharap."

Sinabi naman ni Sen. Tulfo sa isang ambush interview na "pinagalitan" na niya ang kaniyang anak tungkol dito at sinabihan siyang mag-sorry sa lahat.

"Pinagalitan ko at nag-sorry siya sa akin. Ang sabi ko, 'Mag-apologize ka sa lahat.' And that’s it," aniya.