January 30, 2025

Home BALITA National

PBBM, balak magpa-monthly job fairs para mapababa unemployment rate

PBBM, balak magpa-monthly job fairs para mapababa unemployment rate
Photo courtesy: Screenshot from RTVM via PNA (X)

Inihayag ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. ang plano niyang magsagawa ng monthly job fairs sa bansa para mapababa ang unemployment rate.

Sinabi ito ni PBBM sa naganap na Jobstreet Career Con 2025, Miyerkules, Enero 25, na isinagawa sa SMX Convention Center sa Pasay City.

Aniya, balak daw ng pamahalaan na palawakin ang employment opportunities sa pamamagitan ng regular career events, kagaya ng nabanggit na career con.

"Ito po ay parang pilot project din po ito eh, dahil nakita namin noong ginagawa namin kasama ng SM, napaka-successful. Sabi namin, subukan natin dalasan," ani PBBM, sa ulat din ng Philippine News Agency (PNA).

National

Romualdez, inalala dedikasyon ni Lagman para sa ‘human rights, good governance, social justice’

"Kaya pilot project ito, kapag maganda ang maging resulta, ang plano talaga namin ay gagawa kami ng isang ganito bawat buwan, para mapuntahan din hindi lamang dito sa Maynila kung hindi sa iba't ibang lugar din para naman, hindi na kailangan pumunta rito sa NCR, at puntahan natin ang nais mag-apply sa iba't ibang probinsya, sa labas..." bahagi ng talumpati ng pangulo.

Natuwa rin ang pangulo sa ulat sa kaniya na nasa 18,000 katao raw ang nagparehistro sa nabanggit na career con, at hangad daw niyang karamihan ay makakuha ng trabaho.

Inirerekomendang balita