Usap-usapan ang kumakalat na larawan ng umano'y pagkikita nina two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo at tatay niyang si Mark Andrew Yulo kamakailan, na hula ng mga netizen, ay matapos daw ang Philippine Sportswriter Association awards night noong Enero 27.
Sa Facebook post ng isang nagngangalang "Gerald Fajardo," makikita ang tila side view ni Caloy na nasa loob ng isang kotse, at sa bintana naman nito ay makikita ang bulto ni Mark Andrew.
"Drinking water... ," mababasa sa caption ng post, Enero 27, bandang 11:58 ng gabi.
"Kaway kaway FATHER ," dagdag pa.
Mapapansing tila nakalabas ang kamay ng "Athlete of the Year" sa bintana ng kotse habang nagwe-wave naman ng pamamaalam si Mark Andrew.
Isa pa sa napansin ng mga netizen ay ang isang kamay na may nail arts, na espekulasyong kay Chloe San Jose, partner ni Carlos.
Hindi naman nabanggit sa post kung bumaba ba sina Carlos at Chloe mula sa kanilang sasakyan.
Hindi rin malinaw kung ano ang kaugnayan ng uploader sa dalawa, subalit kung bibisitahin ang kaniyang profile sa Facebook, mababasa sa kaniyang cover photo na siya ay isang coach para sa modeling, dancing, acting, at personality development.
Espekulasyon pa ng mga netizen na maaaring larawan ito sa paghahatid nina Carlos at Chloe sa nakababatang kapatid ng una na si gymnast Karl Eldrew Yulo, na kasama ring nakatanggap ng special citation sa nabanggit na parangal.
Matatandaang naisyu pa nga ang video ng GMA Sports matapos mahagip ang pagtatanong ni Carlos kay Chloe kung isasama ba nila si Eldrew.
Sumang-ayon naman si Chloe at sinabing ihatid nila si Eldrew.
MAKI-BALITA: 'Isasama ba natin 'to?' Tanong ni Carlos kay Chloe kung isasabay si Eldrew, inintriga
Matatandaang tila nagkaroon ng sagutan online sina Mark Andrew at Chloe kaugnay pa rin sa mga isyung may kinalaman sa relasyon ni Carlos sa kaniyang inang si Angelica Yulo.
MAKI-BALITA: Chloe San Jose, sumagot sa kuda ng netizen na makipag-ayos na sa pamilya Yulo
Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ni Carlos o ni Mark Andrew tungkol dito.