March 14, 2025

Home SHOWBIZ

Bianca may nilinaw sa mga Kapuso: 'Hindi po si Direk Lauren si Big Brother!'

Bianca may nilinaw sa mga Kapuso: 'Hindi po si Direk Lauren si Big Brother!'

Nilinaw ni "Pinoy Big Brother" host Bianca Gonzalez-Intal na hindi si ABS-CBN TV Production and Star Magic Head Direk Laurenti Dyogi ang boses sa likod ni Big Brother/Kuya.

Sa isinagawang contract signing ng ABS-CBN Studios at GMA Network para sa kolaborasyon nila sa 20th anniversary ng PBB na tatawaging "Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition," ipinagdiinan ni Bianca sa Kapuso viewers na hindi raw ang direktor ng reality show na si Direk Lauren ang naririnig na boses ni Big Brother.

MAKI-BALITA: ABS-CBN, masaya sa bagong edisyon ng PBB kasama ang GMA

"And to clear din Robi, kasi we always say this on the PBB platform and the ABS-CBN platforms, sa lahat po ng mga Kapuso na nanonood on the GMA platforms hindi po si Direk Lauren si Big Brother," anang Bianca.

Tsika at Intriga

Arnold Clavio, ibinahagi viral na napuna ng isang nurse sa larawan ni FPRRD

"Talaga ba?" nakangiting hirit naman ni Robi.

"Ano ka ba, huwag kang magpalaganap ng fake news, kasi bago, bago ang lahat ng ito sa ating mga Kapuso, we would like them to know, hindi po totoo ang mga haka-haka, Big Brother is different from Direk Lauren. Magkaboses lang sila," pagdidiin pa ni Bianca.

Matatandaang sa tagal na ng pag-ere ng PBB at sa lahat ng mga edisyon, hindi na maalis-alis ang paniniwala ng mga manonood na si Direk Lauren nga ang nasa likod ng boses ni Kuya.