Naantig ang damdamin ng mga netizen sa mga naging pahayag ni Maritess Gutierrez, nag-iisang anak ng yumaong Philippine cinema icon na si Gloria Romero, sa isinagawang eulogy para sa kaniya.
Sa ulat ng ABS-CBN News, emosyunal na isinalaysay ni Maritess ang huling 25 araw na nakasama niya ang pumanaw na ina, sa edad na 91, sa huling lamay ng aktres noong Martes ng gabi, Enero 28.
"Tapos na ang role ng Mama ko here on Earth, off and on camera... Sabi ni direk, the great Jesus Christ, Our Lord and Savior — 'Pack up na, iha, pack up na tayo rito sa Earth, come with me up here. This is a good place.'"
Grabe daw ang naging pagdarasal ni Maritess sa huling 25 araw na nagsa-suffer ang kaniyang ina, bago ito binawian ng buhay.
Sa tulong daw ng iba ay nakayanan niyang ihanda ang mga kailangan sa burol ng ina, magmula sa susuutin nito, sa magiging disenyo, at maging sa mga pagkain.
Sa ulat naman ng "TV Patrol Express," na-cremate na raw ang mga labi ni Gloria ngayong Miyerkules, Enero 29.
Namaalam ang batikang aktres noong Sabado, Enero 25.
MAKI-BALITA: Batikang aktres na si Gloria Romero, pumanaw na