January 31, 2025

Home SHOWBIZ

GMA exec sa pagpasok sa PBB House: 'Iba pala feeling... parang ayaw mo na umalis!'

GMA exec sa pagpasok sa PBB House: 'Iba pala feeling... parang ayaw mo na umalis!'
Photo courtesy: Screenshot from Pinoy Big Brother ABS-CBN (FB)

Kinaaliwan ng mga netizen ang naging pahayag ni GMA Network Senior Vice President Annette Gozon-Valdes patungkol sa pagpasok niya sa "Bahay ni Kuya" para sa contract signing nila at ng ABS-CBN, para sa kolaborasyon ng latest celebrity edition ng "Pinoy Big Brother."

Ngayong Martes, Enero 28, ang makasaysayang kolaborasyon ng dalawang bigating network para sa 20th anniversary ng PBB, na mapapanood na rin sa GMA. Tawagin itong "Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition."

Dinaluhan ng GMA at ABS-CBN executives ang nabanggit na makasaysayang kolaborasyon sa mismong PBB House, hosted by Robi Domingo at Bianca Gonzalez na parehong kabilang sa magsisilbing hosts.

Kinaaliwan naman ng mga netizen ang naging pahayag ni GMA Senior Vice President Annette Gozon-Valdes patungkol sa pakiramdam na nasa loob na ng Bahay ni Kuya, nang mahingan siya ng mensahe.

Pelikula

'Higupan' nina Maris at Anthony, usap-usapan!

"Thank you ABS for welcoming us here in the PBB House. Iba pala 'yong feeling makapasok sa Bahay ni Kuya, parang ayaw mo na umalis," natatawang sabi ni Annette.

"Hindi biro lang, parang nakaka-challenge kasi," saad pa ni Annette nang biruin siya ni Robi na narinig daw ni Big Brother ang kaniyang sinabi.

Sa mas seryosong mensahe, sinabi ng GMA executive na naging matagumpay raw ang mga nagdaang kolaborasyon ng dalawang TV network tulad ng paggawa ng serye (Unbreak My Heart), pelikula (Hello, Love, Again), at this time, sa reality show naman.

Nagkataon ding 30th anniversary na raw ng Sparkle GMA Artist Center kaya matataon din ito sa 20th anniversary naman ng PBB.

MAKI-BALITA: ABS-CBN, masaya sa bagong edisyon ng PBB kasama ang GMA

Inirerekomendang balita