Naispatang dumaan sa EDSA busway ang convoy ng isa umanong kongresista.
Nangyari ang naturang pagdaan ng convoy sa EDSA busway noong Enero 23, 2025.
Ayon sa Special Action and Intelligence Committee for Transportation (SAICT), na iniulat ng Unang Balita ng GMA News, ordinaryong plate number ang gamit ng SUV pero sa taas daw ng naturang plaka ay may seal ng House of Representatives.
Tinikitan naman ng awtoridad ang driver ng SUV ngunit hindi tukoy kung nasa loob ng sasakyan ang umano'y kongresista.