Iniintriga raw ng ilang netizens ang hindi pagdalo ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa Paris Fashion Week.
Sa latest episode ng “Cristy Ferminute” nitong Lunes, Enero 27, inusisa ni showbiz columnist Cristy Fermin ang co-host niyang si Romel Chika kung natakot daw ba si Pia kay Kapuso star Heart Evangelista kaya hindi nakapunta sa nasabing fashion event.
“Naku, parang hindi naman matatakot ‘yon [si Pia]. Talagang hindi lang talaga nagpunta si Pia [...] kasi mayro’n siyang ginagawa ‘di ba? Nasa Dubai din ang lola mo,” saad ni Romel.
“Ano ‘yon? Para tuloy ‘yang bardagulan. OA naman ‘yon. Hindi naman dapat. Hindi nga yata magkaaway ‘yong dalawa ‘di ba. Tapos ganyan ang nangyayari,” natatawang wika ni Cristy.
Matatandaang nagsimula ang isyu sa pagitan nina Heart at Pia nang makatrabaho ng huli ang dating glam team ng Kapuso star na umalis sa poder nito.
MAKI-BALITA: ‘Nag-unfollowan pa!’ Heart, nilayasan na raw ng glam team?
Makalipas ang ilang buwan, muling napag-usapan ang nasabing isyu dahil sa pag-document ni Heart ng kaniyang pagkaaligaga sa New York Fashion Week.
MAKI-BALITA: ‘Pasabog!’ Isyu sa dating glam team ni Heart, muling nabuhay
Gayunman—ayon kay Heart—naka-move on na raw naman siya at nakapagpatawad na rin.
“I just want everybody to be okay, that’s all honestly. It’s time for us to sincerely move forward. It is what it is. And everybody should just be happy,” sabi niya.