Naglabas ng pahayag ang kontrobersiyal na direktor na si Darryl Yap matapos ipag-utos ng Muntinlupa Regional Trial Court na tanggalin ang teaser ng kaniyang pelikulang “The Rapists of Pepsi Paloma.”
Sa latest Facebook post ni Darryl nitong Lunes, Enero 27, sinabi niyang bagama’t hindi pa raw siya makakapagbigay ng tuwirang pahayag hinggil sa isyu, pinasalamatan naman niya ang mga naghayag ng suporta at panalangin para sa pelikula.
“Dahil po sa inyong dasal at pagsubaybay, itinuturing po naming mahalagang balita ang pagkakaroon natin ng legal na pahintulot upang maipalabas ang ating pelikula,” saad ni Yap.
Dagdag pa niya, “Next step naman po namin ay magpareview sa MTRCB, susunod po tayo sa mga pamantayan kahit gaano ito kabusisi. Maghintay lamang po tayo.”
Samantala, naghayag naman ng pasasalamat ang mister ni “Eat Bulaga” host Vic Sotto na si Pauleen Luna sa naging desisyon ng korte.
MAKI-BALITA: Pauleen Luna, masaya sa desisyon ng korte tungkol sa teaser ng TROPP
Matatandaang binanggit ang pangalan ni Vic sa nasabing teaser na naging dahilan para magsampa siya ng kasong 19 counts of cyber libel laban kay Yap.
MAKI-BALITA: Vic Sotto, maghahain daw ng reklamo laban kay Darryl Yap!