Pumanaw na ang content creator at nag-viral na nabiktima ng umano’y pekeng chiropractor na si Leobert Yurong.
Ayon sa ulat ng 105.5 Brigada News FM Agusan nitong Lunes, Enero 27, 2025, dalawang buwan naging bedridden ang biktima matapos siyang mabalian ng buto sa pagkonsulta niya noon sa umano’y pekeng chiropractor.
Matatandaang naging viral ang video ni Leobert noong Nobyembre 2024 kung saan makikita kung paano hinilot ng naturang chiropractor ang hita ng biktima na nagdulot ng umano'y tuluyang pagkabali ng kaniyang buto na nag-uugnay sa balakang at hita.
Ayon umano sa pamilya ng biktima, komplikasyon at impeksyon ang sanhi ng pagkamatay ni Leobort matapos ang tuluyang paghina ng kaniyang katawan dahil sa nasabing chiropractic session.
Desidido rin umano ang pamilya ni Leobert na magsampa ng kaso laban sa nasabing pekeng chiropractor na hindi na raw nila ma-contact matapos ang insidente.