Opisyal nang inanunsiyo ang pagsasanib-pwera ng GMA Network at ABS-CBN para sa patok na reality show na Pinoy Big Brother ngayong 2025.
Sa ulat ng 24 Oras nitong Lunes, Enero 27, sinabi ni Big Brother na bubuksan na niya ang pinto ng kaniyang bahay para sa mga Kapamilya at Kapuso na bet maging housemates.
“Matapos ang dalawampung taon ng pagiging tahanan sa magkakaibang tao ay matutupad na rin ang isang pangarap na collab mula sa dalawang leader ng content creation—ang GMA at ABS-CBN,” saad ni Big Brother.
“Sa susunod na pagbubukas ng aking bahay, mga bituin ang aking patutuluyin dahil ang mga housemates na magsasama sa isang bubong ay mga Kapuso star mula sa Sparkle at Kapamila artists mula sa Star Magic,” wika niya.
Dagdag pa niya, “Pinoy Big Brother Celebrity Edition Collab” ang itatawag sa edisyon ngayon taon.
Matatandaang nauna nang ipinahiwatig noong Sabado, Enero 25, isa umanong Big Balita tungkol sa nasabing reality show ng ABS-CBN.
MAKI-BALITA: 'Big Balita' ng PBB, hinuhulaan; mapapanood na raw ba sa GMA?