Inanusyo na ng koalisyong 1Sambayan ang lineup ng mga senador na kanilang iniendorso para sa 2025 midterm elections.
Sa isang Facebook post noong Linggo, Enero 26, inihayag ni 1Sambayan convenor Atty. Howard Calleja ang pangalan ng senatorial candidates na iniendorso ng koalisyon.
1. Dating Senador Bam Aquino
2. ACT Teachers Partylist Rep. France Castro
3. Labor leader Luke Espiritu
4. Labor leader Sonny Matula
5. Dating Commission on Audit (COA) commissioner Heidi Mendoza
6. Doc. Willie Ong
7. Dating Senador Kiko Pangilinan
8. Retired Marine Colonel Ariel Querubin
Narito naman ang mga partylist na sinusuportahan ng 1Sambayan:
1. Kabataan
2. Mamamayang Liberal
3. Act Teachers
4. Magdalo
5. Akbayan
6. Bayan Muna
7. Bunyog Pagkakaisa
Matatandaang taong 2021 nang buuin ang koalisyong 1Sambayan ng retired Supreme Court associate justice na si Antonio Carpio.